WIKA NG PAGKAKAISA: Wikang Filipino... Tungo sa Pag-unlad



 




            Wika ang kaluluwa ng isang bansa. Sapagka’t ito’y pinagbubuklod ng mga iba’t- ibang dialekto na patungo sa pag-unlad.
            Alam natin na ang bansang bansang Pilipinas ay binubuo ng iba’t- ibang katutubong Pilipio na may kanya-kanyang dialektong ginagamit, ngunit bilang isang tunay na Pilipino may nag-iisang wika na nagpapakilala sa buong mundo an gating lahing Pilipino. Ang wikang Filipino ang siya’ng tinaguriang ‘Pambansang Wika’ o ang ‘Wika ng Pagkakaisa’. Paano natin maipagmamalaki ang wikang Filipino’. Sabi ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ang ating pambansang bayani na “Ang hindi marunong magamahal sasariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda”. Kaya, dapat nating mahalin an gating wika sa pamamagitan ng wastong paggamit nito saanmang lugar tayo mapadpad dapat ipagmalaki natin an gating lahi sa pamamagitan ng paggamit sa ating sariling Wikang Filipino at paunlarin ito sa pamamagitan ng pagtangkilik at pagmamalaki sa ibang lahi.
            Kaya bilang isang tunay na Pilipino hinihikayat ko kayog lahat na ipagpatuloy nating mahalin an gating pambansang wika upang lalo tayong guminhawa at lalong may magtitiwala ng mga dayuhan at umusbong an gating ekonomiya sa darating na araw. Kapit- bisig kapwa Pilipino! Mabuhay ang Wikang Pilipino!


0 comments:

Post a Comment